HomeExhibitions2019 ExhibitionsDYLKTO

DYLKTO

PJ Andayran, Raphael Carloto, Maribel Magpoc & Mark Martinez

February 16 - 28, 2018

Diyalekto

Naging maling kuro- kuro sa kanluraning pag- aaral na ang bansang pilipinas ay barbaro bago ito natagpuan at pinanirahan ng mga kastila. Bago pa man ang nasabing pangingibang bayan ay mayroon nang nabuong mga estado at sibilisasyon sa kapuluan. Marahil dahil sa pagiging kapuluan ng bansa ay nagsimula ang mga Pilipino bilang parte ng mga kommundidad na naging mayorya sa kanilang kinaroroonan. Itong mga kommunidad na ito ay mayroong kaniya kaniyang sistemang panlipunan, at bumuo rin kaniya kaniyang wika at talastasan.

Ang isang lipunan ay nangangailangan ng komunikasyon upang makamit ang kanilang mga layunin. Nagsisimula ito sa isang sa pagbuo ng isang closed circuit na ugnayan. Sa kalinangnang ito ay gumagamit ang lahat ng konsepto at ugali na alam ng lahat ang kahulugan pati ang relasyon ng mga kahulugang ito sa isa’t – isa. Ito ang siyang tinataguriang wika, ito ay nakikilala sa pagkakaroon ng sariling tunog o ponolohiya (phonology), ispeling o morpolohiya (morpolohiya), at pangungusap o palaugnayan (syntax). Ang diyalekto naman ay siyang pagkakaiba ng punto, diin at pagbigkas sa mga wikang ginagamit.

Ang wika ay pangsasakapangyarihan (Empowerment) sa sangkapilipinuhan ngunit nananatiling marginalized ang karamihan sa mga ito ang mga gumagamit sa kanila. Sa mga malalayong pamayanan na siyang pinagmulan ng mga sinaunang wika ay umuusbong ang kagustuhang mamuhay sa urbanidad. Ang pamumuhay sa lungsod ay naiiba sa pamumuhay sa mga pook na rural ng Pilipinas,kung saan nagkakahalo halo ang mga pinagmulan ng mga tao na naglalabas sa closed circuit ng mga wika, kaya’t upang makamit ang mga layunin ay ginawan ng pamantayan ang ginagamit na wika.

Ang paglaganap ng komersyo at komunikasyon sa iba’t ibang bansa sa mundo ay naguudyok sa mga Pilipino na matuto at makipag diskurso sa pamamagitan ng ibang wika kasama ang paglaganap ng popular na midya mula sa iba’t ibang bansa na may kaniya kaniyang mga diin at konseptong pinagmulan. Sa kasalukuyan, ang mga wikang Pilipino ay nagagamit na lamang bilang pagtalakay sa sariling kasaysayan o sa mga kaganapang lokal, ang pagkawala nito ang pagkawala ng mga katangian at pagkatao na siyang tunay na Pilipino.

—Floyd