HomePUTA SA IKATLONG ABENIDA

PUTA SA IKATLONG ABENIDA

Max Balatbat

February 06, 2021

Madilim, masukal, magulo Ito ang eksena sa aming kanto.Gabi sa amin ay  umaga
na nagmimistulang lugar na  palaging may piyesta.Dito mga puta ang bida,sila ay nagmimistulang mga artista
kolorete ang kanilang puhunan
pantakip  sa malungkot na nakaraan

buhay sa amin ay mahalaga,katawan ang sagot para ibenta.Kung ang pinggan nila ay nais magkalaman hindi nagdadalawang isip magbenta ng laman.

Putang ina ang natural na nakagawian
pero samin may putang lola at putang hija
salin lahi na ang kalakaran
ito ang makulay na madilim na katotohanan

hindi naman talaga sila negatibo
pinasasama lang sila ng isipan mo
mga maling intinuro sayo ng nanay mo
kasabay na ng lipunan na ginalawan mo

naalala ko noon ang reyna ng puta na si Amalia
sabi ko ang tanda mo na buti sayo pa ay may tumitira
anim na pu’t lima na siya ng banggitin sakin
ang mga linya tagos puso at sumalamin

Bata ang dumiskarte diyan ay madali
madilim dyan at lasing na ang mga naghahari
“jakol bente ,chupa trenta” ang alok
natawa ako sa narinig at napalunok.

karamihan sa atin sila ay ikinukutya
mga babaeng bayaran wala daw kwenta mga yan.Ang tanong ko lang palagi sa aking isipan
sino ba ang may kwenta
mga kagaya mong nagmamalinis pero walang kunsensya?
dahan dahan lang sa pang lalait
baka ikaw mismo kagaya ng puta na nababanggit

gusto ko lang sayo ipaalam
kung gaano kalaki ang puso nila
hindi mo lang alam
mga babaeng bayaran sa lansangan
mga naging bida sa aking kaisipanoo nga simple lang sila patol sa barya
pero sana bukas matauhan kana
makita ang positibong inspirasyon mula sa buhay nila
ang mga puta sa ikatlong abenida
mo makikita

– MAX